75% NG PINOY ‘DI ALAM ANG FEDERALISM

SWS

LUMALABAS  sa  ginawang  pag-aaral ng Social Weather Station (SWS) sa nakaraang unang quarter ng 2018 na isa lamang sa bawat apat na Filipino ang nakababatid kung ano ang federalism form of government na sinusulong ng gobyerno.

Ayon   sa inilabas na survey result kahapon, tanging 25 porsiyento lamang ng mga Pinoy ang may alam sa itinutulak na federal na uri ng gobyerno o federalism.

Ang resulta ng 1st quarter survey ay nagsasabing 75 porsiyento ng mga Filipino ang nagkaroon lamang ng kaalaman sa federalism nang isagawa ang survey.

Pinakamataas na may kaalaman sa federalism sa Mindanao sa 37 percent na sinundan ng Metro Manila sa 28 percent, Visayas sa 22 percent at Balance Luzon sa 20%.

Magugunitang mas ma­raming taga-Mindanao ang sinasabing pabor sa pagpapalit ng porma ng gobyerno tungo sa  federal na isinusulong kasabay sa implementasyon ng Bangsamoro Basic Law.

Samantala, 37 percent naman ng mga Filipino ang sang-ayon sa ganitong uri ng pamahalaan habang 29 percent ang hindi sang-ayon habang 34 percent ang ‘undecided’ sa isyu.

Nabatid pa na Min­danao rin ang may pina­kamataas na net agreement score sa pagi­ging sang-ayon at hindi sang-ayon sa federalism kung saan 59 percent ang nagsabing sang-ayon at 25 percent ang hindi sang-ayon na nagresulta sa net score na +43.

Kasunod nito ang NCR na may 38 percent na sang-ayon at 31 percent na hindi sang-ayon para matamo ang net score na +7.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa at may sampling error margin na ±3% para sa national percentages at tig ±6% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao na ginawa ng huling bahagi ng buwan ng Marso. VERLIN RUIZ

Comments are closed.