75 REBELDE SUMUKO SA CALABARZON-PNP

CAMP VICENTE LIM – SUMUKO sa pamunuan ng CALABARZON PNP ang nasa 75 miyembro ng CPP/NPA/NDF na nagmula sa iba’t ibang probinsiya ng rehiyon.

Sa harap ni Acting Director of the Integrated Police Operations – Southern Luzon, P/BGen. Manuel Abu at PRO4A Calabarzon Regional Director Felipe Natividad, iprinisinta ang naturang mga rebelde sa PNPTI Gym kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Regional Public Information (PIO) Officer PCapt. Mary Anne Crester Torres, kabilang sa mga dumalo ang miyembro ng Regional Task Force (RTF) to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) at iba’t ibang ahensiya ng Pamahalaan.

Umaabot sa 18 iba’t ibang uri ng kalibre na baril ang kasabay na isinuko ng mga rebelde kasunod ang ipinagkaloob sa mga ito na financial assistance, bigas, at grocery items.

Sa talaan, 33 sa mga ito ay napapabilang sa Ganap na Kasapi, 26 Militiang Bayan habang 16 ay sa Kandidatong Kasapi.

Kaugnay nito, sa harap ng pulisya nagbigay ng kanyang pahayag si Alias “Ka Kobe” kung saan siya ang naatasan na bumuo ng iba’t ibang Union Group partikular sa Labor Sector noong taon 2013.

Gayundin, nagpaabot din ng kanyang mensahe si PNP Chief Gen. Debold Sinas sa pamamagitan ni Abu na binasa nito; “The surrenderees are the living testament of how the whole-of-nation approach had become a success. To all the government units who committed and actively participated in facilitating the community re-integration of our former rebels only shows that our President is serious to completely end this long running communist rebellion in the country.”

Samantala, ayon kay Natividad, ang naganap na pagsuko ng mga rebelde ay resulta ng isinagawang magkakahiwalay na counter-white and red area operations of the Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) 4A. DICK GARAY

Comments are closed.