75 SAF TROOPERS TANGGAP NA ANG MERIT PROMOTION

saf

CAMP CRAME – MATAPOS ang mahigit dalawang taon, nang mangyari ang Marawi City siege inaprubahan na ng National Police Commission ang promosyon ng panibagong 75 mga miyembro ng PNP Special Action Force  na tumulong sa pakikipaglaban noon sa Maute Isis terrorist group.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao ang 75 na mga  ito ay pangalawang batch na nabig­yan ng merit promotion.

Una na aniyang nabigyan ng spot promotion ang 800 SAF troopers dahil sa kanilang katapangang ipinamalas matapos na makalaya noon ang Marawi City mula sa Maute ISIS terrorist group.

Paliwanag ni Casurao dumaan sa mabusising pag-aaral ang pagbibigay ng merit promotion sa 75 pang SAF troopers at inabot aniya ng ilang buwan bago ito naaprubahan.

Ang promosyon at bene­pisyo ng 75 SAF troopers ay pareho lamang ang effectivity  sa naunang 800 SAF troopers

Sa kabuuan, mayroong 133 mga SAF trooper ang tumulong sa pagpapalaya ng Marawi laban sa Maute ISIS terrorist group.

May natitira pang 58 SAF troopers ang hindi pa naaaprubahan ang promosyon pero ayon kay Casurao nakapasa na ang mga ito sa validation process at kailangan nalang ng ilang dokumento para maaprubahan na rin ang kanilang promosyon. REA SARMIENTO

Comments are closed.