(7,500 cap ‘di pa naaabot) DEPLOYMENT NG HEALTH WORKERS ABROAD TULOY

DEPLOYMENT BAN SA HEALTH WORKER

TULOY ang pagpapadala sa ibang bansa ng pamahalaan ng health care workers kahit pa sinasabing kulang na ng mga nurse ang mga ospital sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia na sa ngayon ay higit 2,000 pa lamang na health care workers ang naipadala sa ibang bansa, malayo pa sa 7,500 na taunang bilang ng pinapayagang makapag-abroad sa hanay ng health care workers.

Ayon kay Olilia, sa ngayon ay tinatalakay na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kung paano tutugunan ang sinasabing kulang na health care workers sa mga ospital.

Una nang sinabi ng Private Hospital Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) na dapat gawing istrikto ng pamahalaan ang pagpapadala ng hanggang 5,000 lamang na health workers abroad kada taon para hindi maubusan ang bansa.

– BETH C