DUMATING na ang karagdagang mga 7,488 automated counting machine (ACM) na gagamitin para sa national ang local elections sa 2025.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kasunod ng mga panibagong batch ng ACM, mayroon ng kabuuang bilang na 63,480 ang lahat ng ACM na hawak ng poll body.
Nagsimulang dumating ang mga ACM noong buwan ng Agosto at Setyembre, habang nasa 47,140 na ACM pa ang hinihintay ng Comelec.
Nagsagawa ng walkthrough ang Comelec para sa venus ng Local Source Code Review (LSCR) at Data Center 3 sa Circuit Corporate Center One sa Makati City habang sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na maliban sa mabilis ang delivery ng mga ACM, nakatitiyak rin sila sa kalidad at pagiging accurate ng mga ito para sa halalan.
PAUL ROLDAN