CAGAYAN – UMAKYAT na sa 753 katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa Region 2 makaraang magpalabas ng ulat ang Department of Health (DOH)- Cagayan Valley Center for Health Development noong Sabado.
Sa datos ng DOH Region 02, lumilitaw na 206 ang active cases habang 540 ang gumaling at umabot naman sa 2,363 ang suspected cases at may apat na probable cases na nasa isolation facilities.
Samantala, ang Cagayan ay may 276 kaso ng virus habang ang Nueva Vizcaya ay may 71 at sa bayan ng Santiago ay may 34 cases.
Gayundin sa bayan ng Quirino ay tatlong positibo sa virus at nananatili namang COVID 19 free ang probinsiya ng Batanes.
Isinailalim naman sa walong araw na calibrated lockdown ang Purok Dos, Barangay Rizal sa bayan ng Alicia, Isabela dahil sa local transmission ng COVID-19. IRENE GONZALES
Comments are closed.