MAHIGIT 75,000 bagong guro ang kailangan ngayong taon ng Department of Education.
Naglaan ng mahigit sa P15 bilyon ang DepEd para sa mga bagong guro.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, kailangan ng mga bagong titser dahil nais ng kagawaran na mabawasan ang dami o bilang ng mga mag-aaral sa isang klase.
Kadalasan ay umaabot sa mahigit 40 estudyante ang nilalaman ng isang klase sa mga pampublikong paaralan.
Sinabi nitong hindi naman sa kulang sa teachers sa mga pampublikong paaralan, ngunit ito ay bahagi ng patuloy na pagpapaibayo at pagpapahusay sa learning environment ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabawas ng class size.
Comments are closed.