MUNTINLUPA CITY – ISANG housemaid na tinangkang lasunin ang kanyang among babae ang inaresto ng pulisya Sabado ng umaga sa lungsod na ito.
Ang suspek ay si Garnet Gallardo, 35 at nakatira sa Carnacion St., Navotas City.
Ang biktima ay nakilalang si Remedios Gimena,76 at nakatira sa Block 11 Lot 2 Soldiers Hills Village, Barangay Putatan, Muntinlupa City.
Sa pahayag ng biktima sa pulisya, dakong 8:30 ng umaga ay kinuha niya ang kanyang herbal supplement at napansin na ito ay may kakaibang lasa.
Dagdag pa ni Gimena nang kanyang silipin ang bote ay may nakita siyang tatlong pirasong camphor balls sa loob.
Agad naman tinawag ni Gimena ang kanyang asawa upang ipakita ang kanyang nadiskubre sa loob ng bote ng kanyang gamot.
Matapos na madiskubre ang tatlong camphor balls sa loob ng bote ay agad na tinawag si Gallardo at kinompronta ito.
Inamin umano ni Gallardo ang kanyang ginawa dahil sa galit niya sa among babae. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.