76-ANYOS NA LOLO, DALAWA PA DAKIP SA RAPE

rape4

BULACAN – NAKORNER ng pulisya ang isang 76-anyos na lolo na umano’y nanghalay sa isang ginang na may diperensiya sa pag-iisip gayundin ang dalawang magkaibigang nanggahasa sa kanilang nalasing na kainuman sa Meycauayan at Bulakan na sakop ng lalawigang ito.

Kinilala ni P/Col. Chito G. Bersaluna, Bulacan police director, ang mga naarestong rapist na sina Florentino Lopez, ng Bulakan; John Paul Sanchez, 25, at kaibigan nitong si Angelo Francia ng Meycauayan City.

Nagpapatrolya ang Bulakan-PNP sa over-all supervision ni P/Major Mo­ner M. Orang, acting chief of police ng Bulakan Municipal Police Station, nang makatanggap ng reklamo hinggil sa panggagahasa ng lolong suspek sa isang 46-anyos na babae na may diperensiya sa pag-iisip kaya kaagad silang nagsagawa ng police response sa Brgy. Bangbang at nadakip ang suspek.

Sa report ni P/Lt.Col. Aquino Olivar, Meycauayan City police chief, kanilang inaresto ang dalawang suspek na sina Sanchez at Francia matapos nilang halinhinang ginahasa ang isang 20-anyos na babae na kanilang inaya sa inuman sa Brgy. Tugatog. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.