NASA 760 pasyente ang bagong naitalang nakarekober mula sa coronavirus disease kahapon, ayon sa ulat ng Department of Health.
Umaabot na sa ngayon sa 24,383 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa sakit sa Filipinas.
Umakyat naman sa 74,390 ang kabuuang bilang ng mga kaso COVID-19 ang naitala hanggang 4:00 ng hapon ng Hulyo 23 matapos na nakapagtala pa ng 2,200 na bagong COVID-19 infections.
Sa bilang na ito ay 1,314 ang fresh cases habang 886 naman ang late cases.
Mayroon ding 28 ang naitalang nasawi dahil sa virus. Ang muling pagtaas ng bilang ng nasawi ay dahil ngayon lamang pumasok sa kanilang sistema ang ilang bilang ng namatay dahil sa virus sa Region 7.
Ang 21 sa mga nasawi ay mula sa Region 7. Sa bilang na ito ay 14 ang nasa edad 60 pataas, kaya naman patuloy pa rin ang apela ng DOH sa publiko lalo na sa elderly population na mag-ingat upang hindi dapuan ng sakit.
Sa ngayon, umakyat na sa 1,871 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.