UMABOT na sa mahigit 763,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil SA virus ang Estados Unidos na may 171,535.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 763,353 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Sumunod sa Amerika ang Brazil na may 106,571 death toll.
Nasa 55,908 naman ang nasawi sa Mexico habang 49,134 nasawi sa India.
Sumunod ang United Kingdom – 41,358, Italy – 35,234, France – 30,406,Spain – 28,617,Peru – 25,856,Iran – 19,331, Russia – 15,498, Colombia – 14,492, South Africa – 11,556, Chile – 10,340
Samantala, lumakyat na sa kabuuang 21,354,689 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 14,147,925 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Comments are closed.