766 PUSHERS TIKLO SA DRUG OPERATIONS

CEBU-SA loob ng 30 araw na puspusang anti-illegal drug operations, nakahuli ang Police Regional Office 7 ng 766 drug suspects sa buong rehiyon.

Sa datos na ipinadala sa PILIPINO Mirror ni PRO-7 Regional Director Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, sa nasabing bilang ay 447 ang street-leveled drug pushers habang 46 ay pawang mga high value target.

Ang mga inaresto ay mula sa 554 anti-illegal drug operations sa buong rehiyon.

Sinabi ni Alba na hanggang Nobyembre 13 ay nakakumpiska sila ng 16,463 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P11.9 milyon; 65,257 gramo ng marijuana ang nakumpiska na nagkakahalaga ng P7.8 milyon gayundin ang 20 party drug capsules na nagkahalaga ng P34 at dalawang cocaine na P10,600.

Ibinida naman ni Alba na ang Lapu-Lapu City Police Office ang may pinakamalaking naaresto mula Oktubre 13 hanggang Nobyembre.

Ang Cebu Police Provincial Office naman ang maraming naaresto na 252 drug personalities.

“With the positive development of re-calibrating police operations under my watch anchored on the MKK-K and the revitalized Kasimbayanan Program of PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. and Team PNP Region 7;s 3 basic objective for peace and order to reduce the fear of crime, reduce disorder , we are committed to the protection of life,” ayon kay Alba. EUNICE CELARIO