7,661 BAGONG KASO NG COVID-19, 23,392 NADAGDAG SA GUMALING

NASA  7,661 ang bagong kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas.sa huling datos ng Department of Health (DOH) Miyerkoles ng hapon, Pebrero 2.

Pumalo na sa 3,577,298 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, 160,297 o 4.5 porsiyento ang aktibong kaso.

5,575 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 149,829 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,056 ang moderate, 1,521 ang severe, habang 316 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 43 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 54,097 o 1.51 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Naitala naman ang 23,392 na gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,362,904 o 94.0 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.