7,662 MAG-AARAL PINATIKIM NG NUTRIBUNS

nutribun

PINATIKIM ng Department of Education (DepEd) at Valenzuela City ng E-Nutribuns ang may 7,662 mag-aaral upang mapunan ang agwat sa nutrisyon sa mga kabataan at matugunan ang problema sa nutrisyon dala ng COVID-19 pandemic.

Una nang nakatanggap ng E-Nutribuns ang nasa 2,600 mag-aaral na kabilang sa unang batch sa Malinta Elementary School.

Target ng DepEd Valenzuela na makapagtustos ng 7,662 mga nag-aaral ng E-Nutribuns kada-linggo hanggang katapusan ng Disyembre.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ang P 9.1 milyong program ay bahagi ng nagpapatuloy na hakbangin ng Alagang Valenzuelano Chikiting Food Patrol para sa pagpapakain ng Lungsod sa mga mag-aaral sa kindergarten at Grade 6 students na mga may mababang timbang sa kanilang taas.

“Nagpapatuloy ang aming K-6 feeding program. Ngunit dahil walang face-to-face na klase, ang mga magulang ang kukunin ang pagkakalooban ng Nutribun ng mga bata,” ayon sa alkalde.

Ang isang Nutribun pack ay sapat para sa isang linggong konsumo. VICK TANES/ EVELYN GARCIA

Comments are closed.