76ERS 3-0 NA VS RAPTORS; BULLS TUMABLA SA BUCKS

ISINALPAK ni Joel Embiid ang turnaround 3-pointer, may 0.8 segundo ang nalalabi sa overtime at ginapi ng bisitang Philadelphia 76ers ang Toronto Raptors,104-101, sa Game 3 ng kanilang Eastern Conference first-round playoff series.

Abante ang Philadelphia sa best-of-seven series sa 3-0 at sisikaping makumpleto ang sweep sa Sabado sa Toronto.

Naitala ni Embiid ang 18 sa kanyang 33 points sa third quarter at tumapos na may 13rebounds. Ang kanyang winner ay mula sa pasa ni dating  Raptor Danny Green sa isang inbounds play matapos ang timeout.

Nagdagdag sina Tyrese Maxey at James Harden ng tig-19 points para sa 76ers. Umiskor si OG Anunoby ng 26 points at nag-ambag si Gary Trent Jr. ng 24 para sa Raptors.

CELTICS 114,

NETS 107

Tumirada si Jaylen Brown ng 10 fourth-quarter points at binura ng Boston ang 17-point deficit tungo sa panalo kontra Brooklyn upang kunin ang 2-0 lead sa kanilang Eastern Conference first-round series.

Naipasok ni Brown ang 9 sa 18 shots at pinangunahan ang depensa para malimitahan ang Brooklyn sa 17 points sa huling 12 minuto. Nagdagdag si Jayson Tatum ng 19 points, kabilang ang pitong sunod sa stretch para sa Celtics. Bumuslo si Tatum ng 5 of 16, subalit ang kanyang 3-pointer kontra Goran Dragic ang nagbigay ng 108-96 kalamangan ss Celtics, may 2:07 ang nalalabi.

Nanguna si Kevin Durant para sa Nets na may 27 points ngunit bumuslo lamang ng  4 of 17 mula sa floor. Nagdagdag si Bruce Brown ng 23 pounts subalit na-boo si dating Celtic Kyrie Irving sa bawat tira at umiskor ng 10 sa 4-of-13 shooting.

BULLS 114,

BUCKS 110

Nagbuhos si DeMar DeRozan ng postseason-career-high 41 points nang pataubin ng bisitang Chicago ang Milwaukee sa Game 2 ng kanilang first-round Eastern Conference playoff series.

Ang best-of-seven series ay tabla sa  1-1 papasok sa Game 3 sa Chicago sa Biyernes.

Naipasok ni DeRozan ang 16 sa kanyang 31 field-goal attempts at ang lahat ng kanyang siyam na free-throw attempts. Umiskor din siya ng krusyal na layup, may 18.2 segundo ang nalalabi makaraang tapyasin ng Milwaukee ang 16-point, fourth-quarter deficit sa tatlo. Nanguna si Giannis Antetokounmpo para sa Bucks na may 33 points, 18 rebounds at 9 assists sa 11-of-20 shooting.