77 PASAHERO STRANDED SA LEGAZPI PORT DAHIL SA BAGYO

Legazpi-Port

ALBAY – DAHIL sa sama ng panahon dulot ng bagyong Domeng, hindi naituloy ng 77 katao ang kanilang biyahe at napilitang manatili sa Legazpi Port.

Una nang inanunsiyo ng Philippine Coast Guard sa nasabing lalawigan ang paglalayag dahil sa peligrong dulot ng maalong karagatan.

Bukod sa RoRo, isang vessel at dalawang bangkang demotor naman sa Rapu-Rapu Port sa Albay rin ang hindi pinayagang maglayag subalit wala namang stranded na pasahero.

Kahit walang Tropical Cyclone Warning Signal sa isang lugar, may awtoridad ang pinuno ng Coast Guard Station na magkansela ng biyahe lalo kung malalakas ang alon sa panggagalingang pantalan at maging sa pupuntahan.

Nauna nang naglabas ng babala ang PAGASA na huwag munang maglalayag sa eastern seaboard ng Luzon at Visayas at sa western seaboard ng gitna at timog Luzon.

Ito’y dahil sa umiiral na habagat na pinalakas pa ng bagyong “Domeng” na nasa silangang bahagi ng Batanes at ina­asahang lalabas ng Philippine area of responsibility sa Linggo.    EUNICE C.

Comments are closed.