7,700 ALIENS ‘DI NAKAPASOK SA PINAS

TINATAYANG  aabot sa 7,700 mga ilegal na dayuhan ang hindi pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa sa 2019.

Ayon sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, ito ang pinamalaking accomplishment ng ahensiya kung ikukumpara noong 2018 na umabot lamang sa 4,679 ang bilang ng mga illegal alien na pinabalik sa kanilang mga port of origin.

Aniya, pinabalik ang mga dayuhan matapos madiskubre ng immigration officers sa isinagawang secondary inspection na hindi kumpleto ang kanilang dokumento  at hindi  karapat-dapat na pumasok at manatili sa bansa.

Agad namang pinasakay ang mga ito sa first available flight para makabalik sa kanilang mga bansa.

Ang mga immigration officer ay may karapatan na sumuri at magdesisyon kung ang  isang dayuhan ay eligible na pumasok sa bansa bilang temporary visitor.

Nangunguna sa listahan ng mga hindi pinapasok ang Chinese nationals sa bilang na 3,527 sumunod ang 488 Vietnamese, 380 Indians, 329 Indonesian at 255 Malaysians. FROI MORALLOS

Comments are closed.