7,751 PULIS NABAKUNAHAN NA

UMABOT na sa 7,751 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Sa ulat ni PNP Deputy Chief for Admi­nistration at Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kabilang dito ang 5,955 personnel na binakunahan ng unang dose ng Sinovac, 1,791 na ginamitan ng AstraZeneca, tatlo ang tinurukan ng Moderna at dalawa ang tumang­gap ng Pfizer.

Habang nabigyan ng ikalawang dose ang 1,549 personnel gamit ang Sinovac at 2 gamit ang Pfizer.
Paliwanag ni Eleazar ang mga nabigyan ng bakuna ng Moderna at Pfi­zer ay police attaches at administrative assistants na nasa ibang bansa.

Aniya, tuloy-tuloy naman ang pagbabakuna ng mga tauhan ng PNP habang dumarating ang mga bagong supply ng bakuna. EUNICE CELARIO

3 thoughts on “7,751 PULIS NABAKUNAHAN NA”

Comments are closed.