NASASA 778 pasyente ang gumaling pa sa coronavirus disease (COVID-19).
Dahil dito, umakyat na sa 420,666 o 92.1 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Nakapagtala naman ng 2,122 na dagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (Disyembre 18), umabot na sa 456,562 ang confirmed cases ng nakaha-hawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,021 o 5.9 porsiyento ang aktibong kaso. 84 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.0 porsiyento ang asymptomatic; 0.31 porsiyento ang moderate; 2.5 porsiyento ang severe habang 5.1 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 25 naman ang napaulat na dagdag na nasawi kaya umakyat na sa 8,875 o 1.94 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Comments are closed.