AABOT sa 78 malalaking malls sa bansa ang lumahok sa proyekto ng Commission on Elections (COMELEC) na Let’s Vote Pinas makaraang lagdaan ang Memorandum of Agreement sa Pasay City.
Kabilang sa joint venture ay ang vote counting machine demonstration sa publiko partikular na sa mga first timer voter na maranasan ang proseso ng pagboto bago sumapit ang May 9 national at local elections sa bansa.
Sa ngayon, on going ang Let’s Vote Pinas event sa SM Bacoor sa Cavite hanggang Abril 24 na magsisimula bandang alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Layunin ng nabanggit na proyekto na pagtibayin ang kumpiyansa at tiwala ng publiko sa electoral process sa bansa para mapanatiling malinis at kaayusan.
Magugunitang hindi ito ang unang proyekto ng Comelec katuwang ang malalaking malls kung saan kabilang ang ilang proyekto na nailunsad na ay ang Biometric Capturing noong 2004 at ang Voters Registration Program noong 2021. MHAR BASCO