PATAY ang isa katao habang dalawa ang sugatan at humigit-kumulang 783 na pamilya ang nawalan ng bahay, ayon sa census ng Philippine Fisheries Development Authority sa Navotas City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasawi na si James Bantasan, 24, habang sugatan naman si Mercy Abero, 49, at Lester Razon, 33.
Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawi at nagbigay ng tulong ang pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco, kasama si Cong. John Rey Tiangco ng pangunahing pangangailangan ng mga nasunugan tulad ng pagkain, relief goods, gamit pantulog, hygiene kit at pansamantalang matutuluyan.
Sa ulat,alas-2:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa isa sa mga bahay sa Market 3, Brgy. NBBN at dahil sa dikit-dikit ang mga kabahayan na pawang gawa sa mga light materials ay mabilis na kumalat ang apoy kaya’t agad inakyat ng BFP ang sunog sa ikalimang alarma.
Idineklarang fireout ng BFP ang sunog dakong alas-6:11 ng umaga habang inaalam pa kung anu ang pinagmulan nito. EVELYN GARCIA/VICK TANES