NASA 787 pasyente ang gumaling sa coronavirus disease 19, araw ng Sabado, Setyembre 26.
Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 232,906 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
May 2,747 pa ang bagong kaso ng COVID-19 sa Filipinas.
Umabot na sa 301,256 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Ayon sa DOH, 87.3 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.2 porsyento ang severe habang 2.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 88 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,284 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Comments are closed.