AABOT sa 78K Chinese na sinasabing illegal na pumasok at naninirahan sa America ang unang puntirya ng mass deportation plan ng Trump Administration sa pagpasok ng taong 2025 dahil sa national security risk.
Base sa ulat ng NBC News Agency, sa nakalipas na taon ay sinasabing lumobo ang bilang ng undocumented Chinese na nakapasok sa northern at southern borders ng bansang Amerika kung saan umabot sa 27,000 noong 2022 fiscal year at nadagdagan pa ng hanggang sa 78K ng kasalukuyang taon.
Sa datos ng US Customs and Border Protection, sa loob lamang ng taong 2024 ay 65K single adults na undocumented Chinese ang nakapasok kung saan hindi malinaw kung ilan ang kalalakihan.
Lumilitaw din sa ulat na nakalap ng NBC News Agency mula sa US Immigration and Customs Enforcement na kawalan ng oras o kaya hirap na mai-deport ang mga Chinese illegal immigrant partikular na ang mga immigrant mula sa Nicaragua at Venezuela na sinasabing tumatangging bumalik sa kanilang bansa dahil sa nakaambang panganib sa kanilang buhay.
Napag-alaman din sa nasabing news agency mula sa kanilang source sa incoming Trump administration na kinokonsiderang dalhin ang mga undocumented immigrant sa 3rd countries sakaling tanggihan sila sa pinagmulan nilang bansa.
Magugunitang sa unang termino ni Donald Trump ay similar policy na rin ang ginawa kung saan pina-deport ang mga undocumented immigrant mula sa 3rd countries sa Guatemala.
Nabatid din ng NBC News mula sa mapagkakatiwalaang source, mula sa kasalukuyang administration ay aabot sa 1.3 milyong immigrants ang nakapasok sa Amerika kung saan hanggang sa kasalukuyang ay hindi pa nakatanggap ng asylum eligible for deportation.
Hindi naman sinabi kung ilang libong illegal immigrants ang nahaharap sa deportation program.
MHAR BASCO