AABOT sa 793 Bangsamoro farmers ang pormal nang nagmay-ari ng lupa.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa pamamahagi ng Certificates of Landownership Awards (CLOAs).
Nasa kabuuang 1,742 hectares ang naipamahagi sa farmer-beneficiaries sa mga munisipalidad ng Basilan, Maguindanao, at Tawi-Tawi.
Ayon kay Department of Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ito ang kauna-unahang CLOA distribution sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa ilalim ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR.)
Apat na BARMM agrarian cooperatives ang napagkalooban ng farm machineries at mga punla sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program ng DAR.
Comments are closed.