7K KAWANI NG VALENZUELA LGU SUMAILALIM SA MANDATORY DRUG TEST

NAGSAGAWA ng ma­lawakanag drug testing sa mahigit 7,000 kawani ng Valenzuela City Hall at City External Services Office (CESO) Action Center.

Pinangunahan mis­mo ni Mayor Wes Gat­chalian ang mandatory drug testing bilang pakikiisa sa mga patakaran ng pamahalaang lungsod.

Ayon sa alkalde, layon ng surprise mandatory drug testing sa lahat ng Valenzuela City Hall employees na matiyak na ang bawat kawani sa tanggapan ng lungsod ay drug-free.

Inaasahan naman ang resulta ng drug test makalipas ang tatlo hanggang apat na Linggo.

Sinumang sumailalim sa drug test na mapapatunayang nasa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga ay haharap sa mga parusa, maaaring iendorso sa task force laban sa droga ng lungsod, o maaari ring masibak sa serbisyo.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng LGU na patuloy na tinututukan ng lokal na pamahalaan ang mga programang tumutugon sa problema ng iligal na droga.

Kasama na rito ang makabagong pasilidad para sa rehabilitasyon ng droga—ang Balai Banyuhay, na layuning baguhin ang buhay ng mga Taong Gumagamit ng Droga (PWUDs) at bigyan sila ng bagong pag-asa na magbagong-buhay at maging kapaki-pakinabang na nilalang.

P ANTOLIN