7K NADAGDAG SA MAY COVID

DOH

HALOS  7,000 ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas, batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH)  araw ng Lunes, Agosto 10.

Naitala  ang 6,958 na bagong kaso ng COVID-19 kaya  umabot na sa 136,638 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa,  66,186 ang aktibong kaso.

Ito na ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng  COVID-19 bansa sa loob lamang ng isang araw.

Nakuha ang mga datos mula sa 74  ng  99 licensed laboratories.

Iniulat naman na  24 ang  nasawi kaya  2,293 ang COVID-19 related deaths sa bansa habang 633 naman ang gumaling dito.

Umakyat na sa 68,153 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

Comments are closed.