7K NURSES ENDO NA SA 2019

PH NURSE

PINANGANGAMBAHAN ng Kamara na tinatayang nasa 7,000 contractual nurses ang mahaharap sa ‘endo’ kung hindi maibabalik ang ibinawas na pondo ng Department of Health sa 2019.

Ang banta ng malawakang ‘endo’ sa ahensiya ay bunsod ng P8.4 bilyon na ibinawas ng Department of Budget and Management sa pondo ng DOH.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, halos 7,000 contractual nurses ang matatanggal sa trabaho sa ilalim ng Health Human Resources Deployment Program ng DOH.

Bukod sa nurses, mababawasan din ang ide-deploy na mga doktor, dentista at midwives lalo na sa mga probinsya.

Dahil dito, pagpapaliwanagin ang DOH kung bakit sa isyu pa ng kalusugan ang may maraming ibinawas na mga tauhan.

Nakasalalay aniya ang kalusugan ng publiko sa kabawasan ng mga doktor at nurses sa bansa.

Nangako naman si Andaya na gagawin nila ang lahat ng paraan para maibalik ang nabawas na pondo sa DOH para hindi malagay sa alanganin ang health service ng gobyerno.        CONDE BATAC

Comments are closed.