NANGANGANIB na mawalan ng trabaho ang mahigit sa 7,100 nurses sa mga pampublikong ospital at health centers sa susunod taon.
Ito ang pangamba ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto dahil sa napipintong pagtapyas ng mahigit P9.3 bilyon sa 2020 budget ng Department of Health (DOH).
Kasama sa higit na maapektuhan sa isinusulong na ‘budget cut’ ay ang Human Resource for Health Deployment Program ng DOH. Sinasabing magdudulot din ito ng kawalan ng 202 dentista at medical technologists.
Sa kabuuan ay maaring mawalan ng trabaho ang halos 11,000 health personnel na nasa ilalim ng nabanggit na programa.
Comments are closed.