NEGATIBO sa COVID-19 ang mahigit sa 7,000 pang umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nakalipas na tatlong araw simula Hunyo 12 hanggang Hunyo 15.
Batay sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroon pang 7,337 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Gayunpaman, sa mga nasa listahan ng mga nagnegatibo sa COVID-19 ay maaari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.
Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Comments are closed.