UMABOT sa 7,000 katao ang naaresto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang lumabag sa High-Occupancy Vehicle (HOV) dry run sa EDSA sa loob lamang ng dalawang araw.
Ayon sa MMDA, nasa 2,953 violators ang nahuli ng camera kalahating araw pa lamang ng mag-dry run (7 a.m. to 10 a.m.).
Nahuli sa akto ng ahensya ang mga violator gamit ang closed circuit television cameras (CCTV).
Sa rush hour (6 p.m. to 9 p.m.) naman noong gabi, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na umabot sa 1,300 ang lumabag sa HOV scheme kaya unang araw pa lamang ay 4,253 na agad ang bilang ng violators.
Sa ikalawang araw, nakapagtala ang MMDA ng 2,715 violators at habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na ang bilang sa 6,968 violators na sigurado umanong madaragdagan pa araw-araw.
Matatandaang umapela ang publiko sa social media, dahilan kaya pansamantala itong ipinasuspinde ng Senado.
Nakiisa naman ang MMDA sa pagpapaliban ng HOV scheme, ngunit patuloy pa rin ang kanilang dry run. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.