7TH ID SERYOSO SA PAGPAPATUPAD NG WASTE MANAGEMENT

MGEN-Felimon -Santos-Jr

NUEVA ECIJA – MAHIGPIT na ipatutupad ng 7th Infantry (Kaugnay) Division ang Ecological Waste Management Act of 9003.

Ayon kay Maj. Gen. Felimon  Santos Jr., mahalagang agenda ang Republic Act 9003 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasabay ng assembly ng mga enlisted personnel mula sa iba’t ibang unit kahapon ng umaga.

Nilinaw ng general na ang pagtalima sa Republic Act 9003 o Ecological Waste Management Act of 2000 ay isang polisiya sa sistema ng comprehensive and ecological solid waste management program ng pamahalaan.

Layon nitong matiyak ang proteksiyon ng publiko mula sa masangsang na amoy ng mga basura.

Mahalagang  sundin ang proper segregation, collection, transport, storage, treatment at disposal ng solid waste.

Kasabay nito ay inatasan ni General Santos ang Special Operations Command, Army Artillery Regiment, Light Reaction Regiment (LRR), Combined Arms School, Training and Doctrines Command (CAS, TRADOC), Army Aviation Battalion (AABn) and Special Forces Regiment (Airborne) o SFRA maging ang mga stall owner at mga tindahan sa Soldier’s Mall Complex.

Nilinaw ni Gng. Anelyn Bongcawil, Environmental Officer ng Palayan City, na siyang  nagsilbing lecturer, na importante ang sistematikong  waste management ng mga basura.

Samantala, tiniyak naman ng military personnel at mga sibilyan na handa silang tumalima at makipagtulungan sa programa ng pamahalaan para sa malinis na kapaligiran.  T. ARCENAL

Comments are closed.