7TH PSC WOMEN’S MARTIAL ARTS FESTIVAL TULOY NA

Celia Kiram

SA KABILA ng mga limitasyong dulot ng COVID-19 pandemic, ipagpapatuloy ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 7th Women’s Martial Arts Festival nito mula July 8 hanggang July 31 sa pamamagitan ng virtual events na lalahukan ng 1,700 participants sa buong bansa.

Naantala ng isang taon dahil sa pandemya, ang festival ay tatampukan ng pitong martial art events —  judo, karatedo, muay, arnis, pencak silat, taekwondo at wrestling.

Sinabi ni PSC Commissioner Celia Kiram na ang pagpapatuloy ng Martial Art’s Festival virtually ay naglalayong mapataas ang kamulatan sa sports, wellness, fitness at sa lahat ng aspeto ng buhay na magbibigay-kapangyarihan sa mga kababaihan na maging physically active, safe at productive.

“The event will help ward off anxiety, stress, depression and other psychological issues that arose due to the pandemic,” aniya.

Hinihikayat ang mga kalahok sa event na mag-perform sa open spaces o well-ventilated rooms at dapat sumunod sa health and safety stand-ards na ipinatutupad ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Kiram na  “the pandemic should not be an obstacle in celebrating the strength of women in the martial arts field.”

Ang event ay bilang pagsuporta sa Republic Act No. 9710, o ang “Magna Carta of Women”, na nagsasaad sa karapatan ng bawat kababaihan sa pantay na partisipasyon sa sports. CLYDE MARIANO

6 thoughts on “7TH PSC WOMEN’S MARTIAL ARTS FESTIVAL TULOY NA”

  1. 8388 353955Hello I located the Free Simple Shopping Icons Download | Design, Tech and Internet post really fascinating therefore Ive included our track-back for it on my own webpage, continue the excellent job:) 960364

Comments are closed.