Standings:
W L
Rain or Shine 7 1
Alaska 6 1
TNT 6 1
Meralco 5 2
San Miguel 3 3
Columbian 4 5
Magnolia 3 4
GlobalPort 3 4
Phoenix 3 5
Barangay Ginebra 2 5
NLEX 2 6
Blackwater 1 8
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – GlobalPort vs San Miguel
7 p.m. – Magnolia vs TNT
PUNTIRYA ng Talk ‘N Text ang ika-7 panalo at makasalo sa liderato sa walang larong Rain or Shine sa pagpapatuloy ng PBA Commis-sioner’s Cup ngayon sa Mall of Asia Arena.
Haharapin ng Tropang Texters ang Magnolia Hotshots sa main game sa alas-7 ng gabi matapos ang sagupaan ng GlobalPort at San Miguel Beer sa alas-4:30 ng hapon.
Kumalas ang RoS sa TNT at kinuha ang pamumuno sa 7-1 kartada matapos talunin ang kulelat na Blackwater, 102-94, noong Hunyo 8.
Muling sasandal si TNT coach Nash Racela kina ace gunners Troy Rosario, Roger Pogoy at Terrence Romeo, Jayson Castro, Ryan Reyes, Harvey Carey at Kelly Williams laban sa tropa ni coach Chito Victolero, sa pangunguna nina Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon, Ian Sangalang, Rafi Reaves, Aldrech Ramos at Peter June Simon.
Samantala, pinapaboran naman ang San Miguel Beer kontra GlobalPort dahil malalim ang bench nito at magaling at masipag ang kanilang import na si Reinaldo Blakman, bukod pa sa presensiya ni five-time MVP June Mar Fajardo na inaasahang dodominahin ang shaded lane.
Mataas ang morale ng SMB matapos ang panalo kontra Columbian Dyip, 129-117, noong Hunyo 6.
Makikipagsanib-puwersa sina Balkman at Fajardo kina Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Chris Ross at Brian Heruela laban sa mga bataan ni coach Pido Jarencio, sa pangunguna nina Sean Anthony, Aldwin Guinto at Mike Cortez. CLYDE MARIANO
Comments are closed.