SUMAMPA na sa 8.5 milyong mag-aaral ang nakapag-enroll para sa School Year 2021-2021, ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa datos hanggang Agosto 25, umabot sa 8,557,205 ang kabuuang bilang ng enrollees sa bansa, kabilang ang pampubliko at pribadong paaralan.
Batay sa Learner Information System (LIS) Quick Count, naitala ang pinakamataas na bilang ng enrolleees sa Region IV-A (Calabarzon) na may 1,430,535 at sinundan ng Region III (Central Luzon) na may 829,624 at National Capital Regiona (NCR) na may 815,857.
“As we continuously prepare for a smooth opening of classes, we are urging parents and learners to communicate with their respective schools for the enrollment procedures. I also call those who did not enroll last school year to register now,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
Ayon sa kalihim, mayroong pagbagal sa pagre-report ng enrollment dahil may ibang schools na kinukuha muna ang form ng enrollment, lalo na ang galing sa dropbox bago.iulat.
Dagdag ni schoo, ang paggamit ng dropbox enrollment ay upang matiyak ang proteksiyon at kaligtasan ng mga mag-aaral at mga magulang.
Inilalagay ang mga dropbox sa tapat ng school buildings, barangay hall at iba 8ang lugar na iaatas ng.eskuwelahan.
Para sa mga estudyante na papasok sa Grades 1 hanggang 6, 8 hanggang 10, at 12, makikipag-ugnayan ang mga paaralan sa mga magulang sa pamamagitan ng mga dating class adviser.
Ang mga magulang ng paparating na Kindergarten, Grades 7 at 11 na mag-aaral naman ang makikipag-ugnayan upang iparating ang intensyong i-enroll ang ka-nilang mga anak sa napiling paaralan sa pamamagitan ng digital o physical enrollment platforms.
Direkta namang makikipag-ugnayan ang mga transferee, Balik-Aral, at ALS enrollees sa nais pasukang paaralan sa pamamagitan ng enrollment contact details.
Nagsimula ang enrollment nitong Agosto 16 at magtutuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa Setyembre 13, 2021.
821179 39017I discovered your weblog website on google and check just several of your early posts. Proceed to sustain up the exceptional operate. I just extra up your RSS feed to my MSN Data Reader. Seeking forward to reading much more from you in a even though! 386455
628680 10702It was any exhilaration discovering your internet site yesterday. I arrived here nowadays hunting new things. I was not necessarily frustrated. Your concepts soon after new approaches on this thing have been beneficial plus an superb assistance to personally. We appreciate you leaving out time to write out these items and then for revealing your thoughts. 749924