8 AKTIBISTA NA INARESTO KINASUHAN NA

arestado

LAGUNA – WALO sa 11 aktibista na inaresto ng Cabuyao City PNP ang kinasuhan na.

Nagsasagawa ng indignation rally ang mga ito kabilang ang tatlong menor laban sa Anti-Terrorism  Act ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Brgy. Pulo lungsod ng Cabuyao noong nakaraang Sabado ng hapon.

Ayon kay PLt. Col. Reycon Garduque, hepe ng pulisya,  kasong paglabag sa  Batas Pambansa 880 o ang Public Assembly Act of 1985 ang kahaharapin ng walo.

Bukod aniya dito, nilabag din umano ng mga ito ang ipinatutupad na Local Ordinances on Quarantine Protocol para mapigilan ang pagkalat ng  coronavirus.

Batay sa ulat, nakilala ang mga inaresto na sina Kyle Salgado, Casey Cruz, Shirley Songalia, Helen Catahay, Jemme Mia Antonio, Miguel Portea, Sweden John Aberde, at Renero Maarat, pawang mga miyembro ng Karapatan, Bagong Alyansang Makabayan at Gabriela sa Timog Katagalugan.

Ang tatlong menor naman ay itinurn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). DICK GARAY

Comments are closed.