8 BAGONG RORO ROUTES BINUKSAN

RORO

INANUNSIYO kahapon ng Maritime Industry Authority (MARINA) na binuksan nito ang walong bagong Roll-on/Roll-off (RoRo) mis-sionary routes kaugnay sa pagsisikap na imo­dernisa ang local shipping industry.

Ayon sa MARINA, ang mga sumusunod na RoRo routes ay binuksan para sa aplikasyon ng mga interesadong shipping companies — Daan-bantayan, Cebu to Calbayog City, Samar; Tabuelan, Cebu to Ajuy, Iloilo; Laoay, Bohol to Cagayan de Oro; San Juan, Batangas to Calapan, Oriental Mindoro; Iloilo City to Cuyo, Palawan; San Pascual, Burias Island, Masbate to Pasacao, Camarines Sur; San Andres, Quezon to Pasacao, Camarines Sur; at Lucena, Quezon to San Fernando, Masbate.

Mag-iisyu ang MARINA ng letter of approval sa proponent shipping operator upang simulan ang vessel operations sa panukala nitong ruta habang isinasagawa ang proseso ng pagkuha ng Certificate of Public Convenience (CPC).

“Upon granting of the CPC, the proponent shipping operator shall enjoy a five-year route protection or protection of investment, as well as a 50-percent discount on the processing on the regular fees of all applications and renewal of ship documents, licenses, certificates, and permits,” pahayag ng MARINA.

Ang mga bagong RoRo missionary route ay iprinisinta ni MARINA officer-in-charge, Vice Admiral Narciso Vingson Jr., sa pinakahuling over-sight meeting ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Pinuri ni Arroyo ang MARINA sa pagsisikap nitong isulong ang mas malawak na connectivity at economic interactions sa iba’t ibang isla sa bansa.

“Missionary routes provide one or more direct points connecting ports that have no existing shipping services due to geographical limitation or ab-sence of market viability,” paliwanag ng MARINA.

Noong nakaraang Pebrero ay binuksan ng MARINA ang 19 RoRo routes makaraang himukin ni Arroyo ang Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng missionary routes ang mga shipping line upang matugunan ang problema sa unserved ports dahil sa kawalan ng operators.

May kabuuang pito sa 19 na ruta ang inaplayan na ng mga shipping operator, na nagpapakita ng kanilang interes na magserbisyo sa unserved routes sa loob ng Philippine nautical highway.

Ang mga shipping firm na interesadong mag-operate sa mga bagong ruta ay maaaring maghain  ng kanilang aplikasyon sa MARINA.  PNA

Comments are closed.