QUEZON – NAWASAK ang walong tirahan matapos na umangat ang lupang kinatitirikan ng mga ito sa Barangay Matinik sa Lopez nitong Sabado ng gabi sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat, maging ang riles ng tren at mga kalsada sa ilang bahagi ng nasabing bayan ay naapektuhan din sa naturang insidente.
Ayon sa mga residente, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ang insidente sa kanilang lugar.
Agad namang lumikas ang nasa 35 pamilya at ngayon ay pansamantalang tumutuloy sa barangay hall.
Humingi na ang mga ito ng tulong sa pamahalaan partikular na upang alamin ang sanhi ng insidente.
Patuloy ang pagsisiyasat at pinag-aaralan ng mga kinauukulan kung ano ang sanhi ng biglaang pag-angat ng lupa sa naturang lugar.
EVELYN GARCIA