8 BAHAY NG MANOK NAABO SA SUNOG

BULACAN- TULONG-tulong ang 9 na truck ng bumbero sa pag-apula sa nasusunog na walong malalaking bahay ng manok sa Marshall Poultry farm sa Brgy, Pulong-Yantok sa bayan ng Angat nitong Linggo ng hapon sa lalawigang ito.

Sa inisyal na report ni Ret. Col.Manuel Lukban Jr., Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Chief na pag-aari ng isang negosyanteng Intsik na si Ruben Tan ang nasabing poultry.

Ayon sa mga caretaker ng poultry farm, bago ang malaking sunog nakarinig sila ng malakas na pagsabog sa isang bahagi ng kulungan ng manok.

Nabatid kasalukuyan silang naglilinis ng mga kulungan ng manok nang sumiklab ang apoy.

Sinabi naman ni FO1 Lord Wisdom Lamiel, yari lamang sa light material o mga kahoy ang bahay ng mga manok kaya umabot sa 2nd Alarm ang naturang sunog.

Samantala nasa P300,000 ang halaga ng pinsala at masuwerte namang walang nasaktan sa insidente. THONY ARCENAL