8 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NAISALBA

Bureau-of-Immigration

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang walo katao na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking sa Maynila at Cebu.

Ayon sa report ng BI travel control and enforcement unit (TCEU), lima sa mga biktima ay nahuli sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at ang tatlo ay nasabat sa Mactan – Cebu International Airport (MCIA).

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ang limang biktima ay nahuli sa NAIA noong Pebrero 13 at 16 habang paalis papuntang Bangkok na magta-transfer sa Dubai.

Nagpanggap bilang mga turista papuntang Thailand, ngunit inamin din na magtatrabaho sila bilang domestic helper sa Dubai.

Samantala, ang tatlo pang biktima ay nahuli ng TCEU  sa Cebu noong Pebrero 10 bago makasakay sa kanilang flight papuntang Japan.

Ang tatlong ito ay nagkunwari na magbabakasyon sa Japan ngunit nadiskubre na peke ang mga dokumento.

Napag-alaman na nagbayad ang bawat isa sa kanila ng P200,000 sa recruiter kapalit ng trabaho sa Japan. FROILAN MORALLOS