8 CITIES AT 7 MUNICIPALITIES SA CAVITE, TUMANGGAP NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

CAVITE – WALONG lungsod at pitong munisipalidad mula sa lalawigang ito ang tumanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon sa isang awarding ceremony sa Manila Hotel.

Kabilang sa mga kinilalang lungsod ay ang Bacoor, Carmona, Cavite City, Dasmariñas, Imus, General Trias, Trece Martires, at Tagaytay. Samantala, sa hanay naman ng munisipyo ay kabilang sa mga pinarangalan ang bayan ng Alfonso, Gen. Mariano Alvarez, Indang, Magallanes, Maragondon, Mendez, at Rosario.

Tinanggap ng mga local chief executive ang mga parangal kasama sina Senator Francis Tolentino at mga opisyal ng DILG.

Ang Bacoor at Carmona naman ay nabigyan ng espesyal na parangal para sa kanilang walong magkakasunod na taon ng pagiging kwalipikado para sa

Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay isang taunang pagtatasa na naglalayong isulong ang Accountable, Transparent, Participative, at Effective Local Governance.

SID SAMANIEGO