HINDI na papayagang makapasok sa Filipinas ang walong Chinese makaraan silang isama sa mga pangalan ng blacklisted individuals ng Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nag-isyu na siya ng kautusan sa paglalagay sa immigration blacklist sa walong Chinese dahil sa pagiging overstaying nila sa bansa sa programang visa-upon-arrival (VUA) sa mga turistang Chinese.
Pagmumultahin ng Immigration ang mga Chinese dahil sa kanilang pagiging “overstaying”.
Nabatid na dumating ang walong Chinese sa bansa sa magkakahiwalay na petsa noong November 2019 at January 2020 na pinayagang tumigil sa bansa sa loob lamang ng 30 days na walang extension sa ilalim ng porgramang VUA.
Nakasaad sa implementing guidelines ng VUA na pinagbabawalan ang isang dayuhan na mag-apply ng extension at kinakailangan nilang umalis bago ang kanilang 30-araw na visa.
Ang VUA ay isang pamamaraan ng pamahalaan upang humikayat ng turista sa bansa kung saan maaring tumigil ang isang dayuhan sa loob ng 30-araw na hindi kinakailangan ng visa mula sa Philippine consulate sa China. PAUL ROLDAN
Comments are closed.