8 DRUG SUSPECTS ARESTADO SA QC

Quezon City Police District

NAARESTO ng mga tauhan ng ­Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Supt. ­Joselito Esquivel Jr. ang walong  suspek na sangkot sa droga.

Una na rito ang pagkakaaresto ng mga tauhan ng La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ng pamumuno ni Supt. Robert Sales ang suspek na nasa  16-­anyos at ang kasama nitong 17-­anyos  na lalaki matapos maaktuhan ang mga ito ng mga barangay tanod mula sa Brgy. Pag-Ibig sa Nayon.

Ang naturang mga menor ay nakuhanan na gumagamit ng marijuana sa  closed circuit television (CCTV) ng  barangay hall.

Nakumpiska mula sa mga ito ang glass tube pipe na may traces pa ng marijuana at ang disposable lighter na gamit ng mga ito.

Arestado naman ng Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni Supt. Rodrigo Soriano sina Oscar Lavega, 50-anyos, Jocin Bautista, 21; at Mark Esrael Dela Cruz.

Isang concerned citizen ang nag- tip sa mga operatiba sa kasalukuyang  shabu session ng mga ito sa Agham Rd., Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pag-asa, sa isang abandonadong asul na  Ford SUV at walang  plate number.

Agad namang nagsagawa ang  police operatives ng validation kung saan  huli sa akto ang naturang shabu session ng mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang  dalawang shabu, tatlong  strips ng aluminum foil na may bakas pa ng pinaggamitan ng shabu at dalawang disposable lighters.

Sa Batasan Police Station (PS 6) naman sa ilalim ni  Supt. Joel Villanueva,  arestado si Antonio Maddela, 45, na kasama sa District Intelligence Division watchlist.

Habang ang Project 4 Police Station (PS 8) naman sa ilalim ni Supt. Ophelio Dakila Concina ay nagkasa rin ng  buy bust laban sa mga suspek na si Rencel Agustin, 18, Brgy. San Roque at Edgardo Lagarto, 46, Brgy. Kruz na Ligas bandang alas-8:00 ng gabi, kamakalawa sa Alvarez St., Brgy. Milagrosa.

Nakuha mula sa mga suspek ang pakete ng dried marijuana,  isang sachet ng  shabu at ang buy bust money. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.