WALO na drug suspects ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa ilalim ni Chief Supt. Joselito Esquivel sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.
Unang inaresto ng mga tauhan ng Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni Supt. Benjamin Gabriel Jr., si Jimmy Sierra, ng Brgy. West Fairview, ala-1:45 ng madaling araw kahapon.
Arestado rin ng Police Station-5 sa buy bust operation si Jess Tabuena, 28-anyos, ng Brgy. West Fairview.
Naaresto rin ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ng pamumuno ni Supt. Joel Villanueva si Nelson Balatbat, 53-anyos, sa Brgy. Batasan, alas-6:00 ng hapon.
Naaresto rin ng mga tauhan ng Police Station 6 si John Michael Tinio, 24-anyos, ng Brgy. Bagong Silangan, bandang 8:45 ng umaga noong Miyerkoles.
Sina Roberto Titong, 48, Rafael Pareña, 36, at Jerome Declaro, 42, ay kapuwa naaresto sa buy bust ng mga tauhan pa rin ng Police Station 6, bandang alas-5:55 ng hapon noong Miyerkoles sa IBP Road corner Ilang-ilang St., Commonwealth at nakuha sa kanila ang 12 pakete ng shabu na tumitimbang na humigit kumulang 10 gramo na may estimated street value na P68,000.
Sa Cubao Police Station (PS 7) naman sa ilalim ni Supt. Giovanni Hycenth Caliao, katulong ang PDEA-NCRPO, ay inaresto si Alfred Labrador, 22, ng Brgy. Socorro, Cubao, bandang alas 11:00 ng gabi sa Main Avenue sa Cubao. PAULA ANTOLIN / MARY ROSE AGAPITO – OJT