8 FILIPINO NURSES NASAGIP SA LIBYA

NURSES

BEIRUT – WALONG Filipino nurses ang naisalba ng Philippine Embassy sa Libya.

Gayunman, hindi naging madali ang rescue operations ng mga embassy official dahil kaila­ngan ang dagdag-ingat.

Nagbago rin ng mga ruta upang makaiwas sa mga armadong sasakyan patungo sa Libyan clinic kung saan nagtatrabaho ang mga Pinay nurses.

Ayon kay Charge d’ affaires Elmer Cato – aabot sa 400 Pinoy nurses, university professors at iba pang skilled workers ang apektado ng kaguluhan sa Libya.

Nananawagan sila sa iba pang mga Filipinong malapit sa mga lugar na nagkakaroon ng tensiyon na magsilikas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

2 thoughts on “8 FILIPINO NURSES NASAGIP SA LIBYA”

  1. 946399 753074really great goodthis post deserves almost absolutely nothing hahaha merely joking: S nice write-up: P 306686

Comments are closed.