8 INAMBUS MALAPIT SA UNIBERSIDAD

pinagbabaril

NORTH COTABATO – WALO katao na hinihinalang inambus ang  nakahandusay at isa naman ang kritikal sa kahabaan ng municipal road patungong Barangay Ari­ngay sa bayan ng KabaCan ng lalawigang ito kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan PNP, naganap ang pamamaril dakong alas-12:10 ng tanghali, kung saan sakay ang mga biktima sa kubota nang harangin at ratratin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.

Nabatid na naganap ang insidente na ilang metro lamang ang layo sa compound ng University of Southern Mindanao main campus at hindi rin kalayuan sa himpilan ng pulisya.

Agad na nirespondehan ng militar at KabaCan-PNP ang insidente at mabilis na kinordonan ang lugar bagaman wala pang malinaw na ulat kung ambushed o engkuwentro  ang nangyari.

Kinilala ni P/Lt Ernie John Saratao, deputy officer for operations ang mga biktima na sina  Kors Salilangan ng Brgy Aringay; Sandigan Zailon ng Brgy Osias, Kabacan; Benladin Dimanalao, ng Brgy Pedtad; Musaid Jaiden ng Brgy Poblacion Midsayap; Romeo Balatamay  ng Brgy. Aringay, Kabacan; Katindig Kagayawon ng Brgy Buluan, Kabacan; Fahad Mandigan, ng  Sitio Abpa, Brgy Kayaga; Budsal Lipusan ng Datu Odin Sinsuat at ang sugatan na si Tong Guiman ng Brgy Aringay.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng matataas na kalibre ng armas gayundin agad na naglatag ng checkpoint ang mga pulis at militar sa mga lugar na posibleng daanan ng gunmen. MHAR BASCO/ VERLIN RUIZ

8 thoughts on “8 INAMBUS MALAPIT SA UNIBERSIDAD”

  1. 9285 287215Currently truly do not stop eating because there is but the decision which you will transform into. Work from your home us rrs often a fad for that who wants to earn dollars however nonetheless enough time requires most substantial occasions employing children and kids goes for as the modern habit. attract abundance 23331

  2. 575153 814912Spot lets start on this write-up, I seriously believe this incredible website requirements a lot far more consideration. Ill much more likely once again to read a terrific deal much more, numerous thanks that info. 197238

  3. 583089 702706Spot lets start work on this write-up, I truly think this fabulous site needs a great deal more consideration. Ill apt to be once more to learn far much more, appreciate your that info. 219707

Comments are closed.