8 KALSADA SARADO DAHIL KAY ‘ODETTE’

DAHIL sa hagupit ng Typhoon Odette, sarado ang walong pangunahing kalsada sa mga lugar na sinalanta ng nasabing bagyo na may International name na Rai.

Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, nananatiling sarado ang nasa walong pangunahing kalsada sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Sa inilabas na advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga nasabing saradong kalsada ay Puerto Princesa North Road sa may bahagi ng Langogan Bridge at ilang kalsada sa Brgy. Langogan sa Puerto Princesa City, Palawan dahil sa nangyaring landslide.

Kabilang rin ang Daang Maharlika sa Southern Leyte dahil sa landslide, debris, nagbagsakan na puno, at mga poste ng kuryente.

Sarado rin ang bahagi ng Misamis Oriental – Bukidnon – Agusan Road sa Brgy. Siloo at Brgy. San Luis. Malitbog sa Bukidnon matapos masira ang bagong gawang daluyan ng tubig at pagbagsak ng lupa.

Apektado rin ang Butuan City – Cagayan de Oro City – Iligan City Road sa Old Mambayaan Bridge matapos masira ang tulay hahang ang Sta. Filomena – Bonbonon – Digkilaan, Rogongon Road sa Sitio Salinsing, Brgy. Rogongon sa Ilagan City ay sarado rin dahil sa landslide.

Hindi rin madaanan ang Dinagat-Loreto Road sa Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands due dahil sa madulas pa rin ang kalsada kung saan to sarado ang NRJ Bayugan-Calaitan-Tandag Road za Brgy. Sto. Nino sa Bayugan City, Agusan del Sur matapos masira ng kalsada at mag-collapse ang paligid nito.

Maging ang Bayugan-Esperanza Road aa Brgy. Nato at Brgy Hawilian sa Esperanza, Agusan del Sur ay sarado dahil sa hindi pa humuhupa ang baha.

Nasa limang kalsada rin ang hirap madaanan dahil sa epektong dulot ng bagyo habang patuloy naman DPWH-Bureau of Maintenance na masolusyunan ang mga problema sa mga nabanggit na kalsada kung saan umabot naman sa P308.9 milyn ang halaga ng mga nasirang imprastraktura.