MANILA-WALO katao na may mga kaso ang nadakip sa Baseco compound, Port Area, Manila.
Kabilang sa mga paglabag na naitala ng Ermita Police Station-5 laban sa mga suspek ay Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 0f 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang pag-aresto.
Ang elemento ng Station Drug Enforcement Team ng MPD ang nagsagawa ng operasyon sa pangunguna ni Chief Inspector Di-onelle Brannon.
Kinilala ang mga nasakote na sina Danilo Obena, 38; Reyner Drona, 24; Francis Cesista, 28; Angelo Gabuat Jr. 24; Japsi Guillen, 25; Jackie Butokan, 28, Christoper Galit, 45 at Joel Rosco, 41.
Nabawi mula sa mga suspek ang 15 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang piraso ng aluminum foil, isang improvised glass tube at isang 500 pesos bill na ginamit ng awtoridad bilang buy bust money, at isang air rifle.
Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspek sa Ermita Police Station. PMRT
Comments are closed.