SA ikalawang linggo ng Enero, magsisimula na ang online class sa Graduate School ng Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC).
Ibinahagi ni Dr. Paz Hernandez Diaz, Dean ng Graduate School ng AIJC ang walong kurso na binuksan para sa mag-aaral ng Journalism at Communication para sa 2nd Trimester 2022-2023: News Development Techniques, Craft of Writing, Corporate Communication, Communication Research Methods, Knowledge Management, Advanced Communication Theory, Digital Learning Environment, at Statistics Applied to Communication.
Mga batikan at eksperto sa kani-kanilang larangan ang tatangan ng mga kurso. Ang kilalang host ng AlterMidia na si Janess Ann Ellao ang magtuturo ng News Development Techniques. Si Ellao ay may panggabing programa na tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa bansa.
Sa Craft of Writing, ang eksperto ay si Abigail Ho-Torres, Assistant Vice President, Head of Advocacy and Marketing Department, Maynilad Water Services. Nagsilbi rin siyang Lecturer sa UP Virata School of Business.
Sa Corporate Communication at Communication Research Methods, ang magbibigay ng kaalaman sa mga mamamahayag at information officers ay si Ma. Sophia Varlez. Ang dalawang kursong ito ang kanya ring itinuturo sa Holy Angel Universiry, New Era University at UP College of Mass Communication. Nagsilbing Training Director ng Professional Development Program ng AIJC mula 2018 hanggang 2021.
Ang beterano sa Knowledge Management ay si Dr. Jose Agustin Cuenco, Professorial Lecturer sa Ateneo Graduate School of Business at Faculty Member ng Ateneo Department of Communication. Bantog na Resource Person din ng Development Academy of the Philippines.
Sa Statistics Applied to Communication, ang eksperto ay si Dr. Felnita Tan, na may rekognisyon at sertipiko sa Microsoft Technology Associate (MTA) Fundamentals of Database Administration, Cyber Security Foundation Professional Certificate, NSE1 at NSE2 Certification in Network Security Associate.
Si Dr Sheryl Villaroman naman ang bihasa sa Digital Learning Environment. Siya ang kasalukuyang President at CEO ng Nephila Web, Inc. Si Villaroman ang kilalang Facilitator ng Moodle Educators Certificate (MEC).
Sa Advanced Communication Theory, ang magtuturo ay ang aktibong abogado na si Atty. Elgee Lawrence Feliciano, isang consultant sa Dusit Thani College sa Bangkok, Thailand.