8 LUGAR NASA ‘DANGER’ LEVEL HEAT INDEX

MAKARARANAS ng mas mainit na temperatura gayundin ang ‘danger level’ na heat index ang walong lugar sa bansa.

Sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng umabot sa 44°C ang pinakamataas na heat index na naitala sa Dagupan City, Pangasinan kahapon.

May pitong lugar din ang tatamaan ng hanggang 42-43°C ang heat index sa Bacnotan, La Union; San Jose, Occidental Mindoro; Palawan; Roxas City, Capiz; Guian, Eastern Samar; at Cotabato City, Maguindanao.

Kapag umabot na sa ‘danger level’ ang heat index, posibleng mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.

Habang ang Metro Manila, naman na umabot din sa hanggang 40-41°C ang alinsangan na pasok na rin sa ‘extreme caution’. P ANTOLIN