HONG KONG – ANG Chinese territory na ito ang ikalawang sunod na lugar bilang pinakamahal mamuhay para sa mga overseas workers sa buong mundo.
Lumabas sa pag-aaral, na walo sa mga lugar sa Asya mula sa Top 10 ang “most expensive city” para sa mga overseas Filipino worker (OFW) batay sa Mercer’s 2019 Global Talent Trends report.
Habang muli rin namang pumangalawa sa listahan ang Tokyo at umakyat sa ikatlo ang Singapore.
Samantala, kasama rin ang siyudad ng Tokyo sa Japan na mahal tirahan, sumunod ang Singapore, Seoul, South Korea; Zurich, Switzerland; Shanghai, China; Ashgabat sa Turkmenistan; Beijing sa China, New York City sa USA at Shenzhen sa China.
Sa kabilang dako ang itinuturing namang cheapest cities ay ang Tunisian capital na Tunis (209), Tashkent sa Uzbekistan (208) at ang Karachi na nasa Pakistan (207).
Ang findings sa survey ay naglalayong makatulong sa mga gobyerno at multinational companies kung papaano ang tamang pagtatakda sa mga pasuweldo sa kanilang mga overseas worker. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.